Kapag nag-two timing ka, siguradong kaaway mo ako. - Otoo-chama(Bakit parang threat ang dating ito?)
Opo, sinabi 'yan ng pseudo-daddy ko kagabi (habang kumakain ng malaking NY's Finest pizza ng Yellow Cab sa bahay nila XD) noong kinokonsulta ko siya tungkol sa mga umiikot sa isipan ko. Si Otoo-chama ay ang pinakamapagkakatiwalaan kong kaibigan na lalaki (rimmed glasses nga pala niya ang suot ko). Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala siya. Palagi niya akong pinag-iisip... at mas madalas tinutukso tungkol sa mga problema ko (O: That's what I do best. XD). Kahit tahimik lang ako, nalalaman niya yata ang bagyo sa isipan ko eh. Mabuti nang hindi Psychology ang kinuha mo kasi tutuksuhin mo lang ang mga kliyente mo. Ha ha.
Naiintindihan ko naman ang sinabi niya sa itaas. Sino bang may gustong maging no. 2? Masakit 'yun, parang ginagamit ka lang bilang isang basahan. Alam nyo naman siguro ang pakiramdam ng ginagamit ng iba, hindi ba?
Sabi ko sa kanya, wala akong alam sa dapat kong gawin. Hindi ako desidido. Takot akong mag-desisyon. @__@ Sumagot siya, merong wrong decision. Meron ding not-so-wrong decision. Ngayon, ako na lang ang dapat sumagot sa mga tanong kong umaapaw na sa dami. O di ba, ang gulo ko? Ha ha.
Sayang, tubig lang iniinom namin habang nag-uusap. Mas masaya kaya kung may beer at pulutan sa kanila noong panahon iyon? XD
PS
Sa taong umamin (ulit) kagabi, umamin ka mga 3 weeks ago habang nakahiga ka sa sahig at groggy na. Kaya hindi mo natatandaan. Ha ha.