Sunday, September 23, 2007

Hingang Malalim

Crybaby talaga ako. Wala lang, yung mga di ko nasasabi, iniiyak ko na lang.

Mabuti na lang hindi pa ako naiiyak kapag nandiyan siya. Baka tuluan ko pa siya ng sipon-sipon. Kadiri. Ha ha. Mababasa pa ang damit niya sa mga luha ko. Pero teka, wala naman akong dapat iiyak kapag nandiyan siya sa tabi ko. Walang dahilan dahil masayang-masaya ako kapag kasama ko siya. Wala na akong hihilingin pa.

Noong gabing iyon, dahil wala akong magawa para sa kanya, umiyak na lang ako. Nasaktan na rin ako dahil sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Alam kong masakit ang pakiramdam sa unang pagbagsak. Naranasan ko na rin kasi yun eh. Ang totoo nyan, di ako marunong magpagaan ng loob ng taong naguguluhan ang isip sa pangyayari. Walang kwentang Yunisee. Matapos ang ilang sandali, nahalata na niya ang pag-iyak ko. Napag-alala ko pa tuloy siya. Walang kwentang Yunisee talaga.

Wala akong magawang matino, ano? Ha ha.

Naroon na siya sa kanyang pamilya ngayon. Sana'y makapagpahinga siya nang maayos dahil pagkatapos ng isang linggo, sabak na naman sa pag-aaral. Sana gumaling na rin siya sa sakit niya. At sana di siya masyado pagalitan. @__@ Good boy naman siya eh. Di tulad kong isang demonyita.

Ang sarap pakinggan ng boses niya nang paulit-ulit. Tadtad pa ako sa mga halik niya. :D

Saturday, September 1, 2007

Argh

Tinanong ako ni Kuya Armand noon kung nakakaapekto ba sa pagsusulat ko sa mga blog ko ang pag-ibig. Hindi ko na rin kasi regular na nasusulatan ang mga iyon.

Tinawanan ko siya. Di kasi ako sigurado. Ang totoo niyan, mas madalas na tinatamad lang ako. Pagod na pag-uwi. Matutulog na lamang o kakain. At siyempre, gumawa ng plates.

Sa aking muling pagmumuni-muni, may katotohanan na rin ang sinabi niya. Nakikipag-usap ako kay Daddy Ean sa YM voice chat. Kapag nabisita naman siya dito sa bahay, lahat ng atensyon ko ay nasa kanya. Mayroon din naman akong mga bagay na itinatago ko lang dito sa puso ko. Mga pribadong bagay na hindi ko gustong malaman ng lahat (piling tao lamang LOL).

Kanina, kausap ko si Venz. Sabi ko sa kanya, di ko alam kung paano ko nagustuhan si Daddy ko, na baka may potion siyang pinainom sa akin (ha ha!). Heto na lang ang sinabi niya tungkol sa isang litrato namin noon sa bodega habang naglalaro ng PS2 : "They never knew."

Napapakanta ako ngayon sa kanta ni Ric Segreto. Ito ang unang kantang nagustuhan ko doon sa CD na ibinigay niya noong kaarawan niya. Haay.

Binabago nito ang pananaw mo... kapag narito ka sa aking tabi... (o, anong kanta ito? ha ha)

Wala. Nanggugulo lang ako ng isipan ninyo. Matagal na rin kasi akong hindi nagsusulat dito.

Pero ang laman talaga ng isip ko ay siya. Bakit ko ba siya hinahanap-hanap palagi, samantalang noon naman, ayos lang sa akin na nakakapag-usap kami sa text messages? Bakit ko ba gustong marinig na lang lagi ang boses niya, kurutin ang mga pisngi niya at guluhin ang buhok niya? Ano bang nginangalngal ko dito (nang tahimik; haha how contradictory)? Amf bakit ba ako balat-sibuyas?

Hindi nakakatulong ang High School Musical 2 sa pakiramdam na ito.