Sunday, March 2, 2008

Kainisan at Stress

Tae na.

Kung nasa condo lang ako na nasa mataas na palapag, malamang sumigaw na ako nang sobrang lakas.

Kaninang hapon lang, ang saya-saya ko dahil sa naganap na interview sa SM City Bacoor. Parang kumain at nakipagkwentuhan na kami sa mga artistang gumaganap sa telebisyon at pelikula. Yun nga lang, sila ang mga artista ng sining, ng aming mundo na gagalawan matapos ang 3 o 4 pang taon.

Masaya na sana ang natitira pang oras ng araw na ito. Pero dahil sa kapatid kong pagkatamad-tamad, naiinis na tuloy ako. Mayroon pa riyang mga squatter na galit sa amin, namamato ng bubong ng bahay. Nandiyan pa rin ang mga tambay na mahilig umupo sa harapan ng bahay namin. Ampucha talaga ng mga walang pinag-aralan. Bwiset.

Sana makalipat na kami ng tirahan na malayo sa mga pesteng tao na ito.