Sunday, July 29, 2007

Walang Katuturan, Walang Patutunguhan (Parang Yaoi Lang ha ha)

Tatlong Sabado na siyang bumibisita sa bahay nang sunod-sunod. Gusto na niya yata tumira dito eh! Ha ha. Joke lang! Pero sa totoo lang, natutuwa ako. Ang sipag-sipag niyang pumunta dito kahit napakalayo. Sino ba sa tamang pag-iisip ang gustong magbiyahe nang matagal sa mga kalyeng madalas pa' y napakabigat ng trapiko (mahal pa ang pamasahe)? Tinutulungan pa niya ako sa paggawa ng plates ko. Ang laki ng utang ko sa kanya, sobra. Salamat, salamat. :)

Umuulan nang malakas ngayon. Bakit ako nagta-type dito at di gumagawa ng Figure Drawing plate? Di ko pa pala tapos ang photo collage. @__@ Ang totoo, hindi ko alam. O__o; Maganda ang mood ng mga kanta ng Sugarfree habang naulan para sa akin. Ha ha.

Mayroon akong seiyuu fixation. Tapos sinabi ko dati na maganda ang boses niya. Nakakatakot ha ha... pero iba-iba naman ang preferences ng tao, di ba? (Hindi ko naaalala si Seki Tomokazu sa boses niya, hindeeee~!)

Hindi ko namamalayan, naka-embed na pala siya sa pang-araw-araw na buhay ko. Noong nasa school pub pa ako, ni hindi ko nga siya kilala eh (dahil parang out of this world ang dating niya para sa akin). Ha ha. Di kami nagpapansinan, di kami nagku-kwentuhan. Hanggang hello-hi lang. Ano nga naman ang mapapala ng dating Archi student sa isang ECE student? (Parang user ang dating ko dito ha? XD;;;)

Ngayon, araw-araw na kaming nakakapag-usap. Talk about devotion. Ha ha.

Sa sobrang dalas niya dito, inaanticipate na ng mga magulang ko ang pagbisita niya linggo-linggo. Kanina habang naglalakad kami papuntang simbahan, tinanong nila kung babalik ba raw siya sa susunod na Sabado. Ha ha.

Thursday, July 19, 2007

Mga Kamay

Mababa ang grado ko ngayon sa pag-render ng mga kamay. Masyadong madilim ang lapis na ginamit ko (8B). Dapat pala, hanggang 5B lang. Yung cross hatching din ng kamay gamit ang black ink, di ko masyadong nagustuhan ang grado roon. Di bale, sa susunod, mas maganda na at mas mataas.

Nakakangalay sa kamay ang mag-pose habang iginuguhit ng isa ang naka-pose na kamay. Di mo pwedeng igalaw nang igalaw dahil mababago ang anggulo pati ang pagtalbog ng ilaw sa surface. Napakaraming kailangang isipin sa pag-shade: ang light tone, mid tone at ang dark tone. Pati pa pala ang anino.

Madalas ding namamawis ang kamay ko kapag gumuguhit ako. Yuck. Pero ganoon talaga sila eh. Di ko na mababago iyon. Akala ko, kapag may hawak din akong kamay, mamamasa rin siya. Hindi pala.

Pangalawang beses kong makipaghawak-kamay ng ganoon (ang totoo, masuwerte ang loko dahil dalawang kamay ang nahawakan niya sa isang gabi ha ha). Nakikipaghawak-kamay lang ako kung nasa simbahan at kakanta ng Lord's Prayer. Mas madalas na babae pa ang kahawak-kamay ko. Mabibilang sa mga kamay ko na lalaki ang katabi ko at makikipaghawak-kamay habang magdadasal noon.

Malambot daw ang mga kamay ko. Matagal ko nang alam iyon he he. Di naman kasi gaanong mabigat ang trabaho ko sa bahay eh. Pinakamabigat na siguro ang paglalaba ko ng gamit ko. :P

Masarap ang pakiramdam ng mainit na kamay kapag malamig. Hindi ko ikinakaila iyon. Wala kang jacket o kung ano mang pambalot sa katawan pero may nakalagay naman sa kamay mo na pwedeng pumawi ng lamig na nararamdaman mo.

Nag-iisip pa rin ako. Ang tagal, di ba? Sinabi ko kay Kuya Venz na kailangan mo nang gumawa ng paraan kaysa mag-isip nang mag-isip. Ano ba iyan, di ko sinusunod ang mga advice ko sa iba. O__o; Hindi rin tumutulong ang pakikinig ko sa kanta ni Brad Kane. @__@

Kadiri. Ang drama ko. Ha ha.

Di pala ako lasing.

Thursday, July 12, 2007

Tres R

Parang may mini-reunion ang Setonians sa bus kanina habang pauwi ako. May tatlo akong batch mates na nandoon at katabi ko ang dalawa sa kanila (yung isa may nobya hehe si Rey Gorospe). Katabi ko sa kaliwa si Ryan Jusay at nasa kanan ko naman si Ronald Calpo. Dahil may iPod na pinakikinggan si Ryan, minarapat ko nang di siya guluhin masyado at ituon ang pansin sa pinag-uusapan namin ni Ronald.

Pilosopiya ang kurso ni Ronald (nanggaling sa pagiging CoE). Sa opinyon ko, astig na kurso yun. Ha ha. Malalim mag-isip. At madalas nakakagulo ng pag-iisip. Todo kwentuhan kami. Ang pamemera ng school ko sa aming pamilya, ang mga karanasang maganda at di gaanong maganda, mga miyembro ng pamilya, mga kaibigan, atbp. Napunta bigla sa isang babae ang usapan (ang nakaraan nga naman he he). Pagkatapos nama'y naging tungkol sa pag-ibig (omg ito ang naging usapan hanggang makarating kami ng RFC; sa Fernando's pala ang babaan niya). Opo, narinig ninyo. Maraming gumugulo sa isipan ko kung kaya't naisipan kong magtanong-tanong na rin ng kaunti sa aking kaibigan pilosopo. Marami rin siyang nasabi na kakaibang mga teorya at istilo ng pag-iisip na nagtulak sa utak kong gumalaw at maghanap ng sagot sa mga salitang binitiwan niya. Basta. Ang lalim! Natuwa ako na kaya kong sumabay! He he he. :D

Medyo English-an kami dahil napaka-fluent niya sa wikang iyon (masarap ding makipagtalo gamit ang wikang Ingles :D). At isa sa mga pinakanatatandaan ko ay ang pagmamahal sa isang tao.

Minamahal mo ba ang taong iyon dahil sa mga qualities na meron siya? (matalino, mabait, malambing, etc.)

O minamahal mo siya dahil siya ay... siya? (ang sagwa sa Tagalog ha ha; Do you love the person for who he/she is?)

May drawbacks pareho eh. Doon sa unang question, paano kung makakita ka ng isa pang taong may qualities na meron ang mahal mo? Ibig bang sabihin, pwedeng mahal mo na rin siya? Parang bente pesos. Pwede mong palitan ng dalawang sampung pisong barya. Ganoon ba yun? Sa ikalawa naman, minamahal mo ang taong iyon sa kadahilanang siya ay siya. Paano kung magbago siya? Hindi mo na siya mahal?

Amfufuners. Di kaya logical fallacies ito?

Wala lang. Ginugulo ko lang ang isipan ninyo. He he.

Isa pa pala. Is love an emotion? If emotions are fleeting, can love also be?

Nyahaha. Halatang wala akong naisagot. May sagot ba kayo (kung may nagbabasa nito)?

Lalo yatang nadagdagan ang kaguluhan sa isip ko. @__@

P.S. Hindi lang ako ang nakaisip na kamukha ni Otoo-chan si Aizen Sousuke noong nasa Soul Society Arc pa ang Bleach. *apir to Ronald* :D

Lahat pala ng kasabay ko, sa letrang R nagsisimula ang pangalan! Ryan, Rey, Ronald. He he.

Monday, July 9, 2007

Kailan ako hahatsing?

Habang bumibili ng ice cream for the third time si Akuh (Korina) kanina, natahimik ako. Malakas ang ihip ng hangin at makulimlim. Una, iniisip ko ang mga plate na uunahin ko pag-uwi ko sa bahay. Pangalawa, naisip kong bibili ako ng ice cream kinabukasan na lang (kailangan kong magtipid he he). At pangatlo, parang nananaginip ako.

*kisap-mata*

*kisap-mata*

*kisap-mata*

Gising ako. Hindi iyon panaginip. Tahimik pa rin ako. Kinuha na ni Akuh ang ice cream niya. Hinihintay na lang niya ang sukli na magiging pamasahe niya sa LRT-MRT ride niya.

*kisap-mata*

Hindi ko alam kung bakit di ako makapaniwala.

*kisap-mata*

*kisap-mata*

*kisap-mata*

Wala nga akong tutuli sa tenga. Naririnig ko nang malinaw ang awit. Ang koro. Sinabi ni Akuh, gusto niya ang kantang iyon. Naririnig din pala niya iyon.

Amfufuners. (galing ito kay Grazie, by the way ha ha)

Magdadalawang buwan na matapos kong hilinging marinig ang kantang iyon. Marinig mula sa isang publikong lugar at hindi sa iPod ko.

Naging malabo yata ang paghiling ko sa Kanya. Dahil hindi malinaw kung ano na ang dapat kong gagawin matapos marinig iyon. Ang dream harana song. AAAAAAAAAHHHHH!

Punung-puno na ng anghang ang buhay ko. Huwag Ninyo akong pahirapan sa pag-iisip, Lord!

Wednesday, July 4, 2007

Ikaw Pa

eunice: otoo-chama is so mature :)
Otoo-chama: really?
Otoo-chama: :))
Otoo-chama: di yan
Otoo-chama: kailangan lang balanced palagi kapag nagdedecide
Otoo-chama: emotionally and logically
Otoo-chama: :P
eunice: words of wisdom
eunice: salamat :D

- isang parte ng pinag-usapan namin (kahit in demand na naman siya ng mga kalaro niya sa RO, DotA, etc. o baka sa mga kaklase niya)

Di kaya dahil hindi pa ako nahaharap sa problema na nadaanan na niya? Pero tingin ko, common sense lang ang sinasabi niya eh. Saka di ko rin daw kailangang magbigay kung tumatanggap ako. Hindi tama ang ganoon. Unfair.

Kaya Yunisee, magpakatotoo ka lang! Ha ha. Mayroon kang utak at puso. Pagbalansehin mo.