Wednesday, December 26, 2007

Tayong Dalawa

Kumakalabog ang dibdib ko. Napakalalim talaga ng boses ni Taniyama Kisho. At nakakalungkot.

Two of us.

Ano ba ito? Wala na naman akong balak kunin ang kantang ito pero dahil sa pagbabasa ng dream novel, napa-download tuloy ako. Kasi ang hilig magpaniwala sa suhestiyon ng nagsulat. @__@ Dapat kinikilig ako dahil tungkol ang kantang ito sa reunion ng dalawang nag-iibigan. Ang muling pagbabalik ni Len mula sa Vienna kung saan siya nagpaka-dalubhasa sa pagtugtog ng biyulin. Ang muling pagtibok ng puso ni Kaho at ang pagbabalik ng memorya nila ng nakaraang tatlong taon. Walang sinumpaang paghihintay sa isa't isa ngunit patuloy na itinaas nila ang lebel ng pagiging virtuoso ng biyulin na iniisip ang isa't isa. Mahal pa rin nila ang isa't isa. Nalayo ng ilang libong kilometro sa loob ng tatlong taon. Ngunit maraming nagbago sa kanilang paligid. Na lalong nakakapagpagulo ng isipan nila.

Ang totoo niyan, hindi pa tapos ang kwento. Pitong kabanata pa lamang siya at nabibitin ako. :P

Amf magulo ang wika ko. Ha ha.


si Len :D ampugeh nu? XD

Haaay. Nakasakit na naman ako ng damdamin. Hindi ako makatulog. Hindi kami nagka-usap ngayong araw. Hindi ako mapakali. Umaga na. Waa. Hindi siya sumasagot. Bumibigat ang pakiramdam ko. Paulit-ulit ang kantang nabanggit sa itaas. Parang sasabog ang dibdib ko.

AAAAHHHHH! Ang mga simpleng pangungusap sa kwento. Lahat sila'y nakakapagpaalala sa minamahal ko. Ang mga pangyayaring cute pero may sipa. Mapapangiti ka na lang kung mababasa mo. O kung medyo ayaw mo ng ganoon, mangingilo ka sa kakesohan.

Siya lang naman talaga ang mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko. Oo, ikaw. Nagtatampo ka, ano? Sori. Patawad. Pasensya na. Sa 'yo lang naman naikot ang isipan ko buong araw. Ikaw nga rin ang pinag-uusapan namin. Talaga. Kasi gustung-gusto na kitang makita.

Sabi ni Len, gusto niya ang kalangitan. Walang hangganan, walang limitasyon, walang katapusan. At kung malayo man siya, iyon ang tanging koneksyong pisikal niya kay Kaho. Kung tumingin man si Kaho sa kalangitan, maaasahan niyang nakatingin din si Len sa mga bagay na nakikita niya sa itaas.

Two of us
In the voices of the sky
Tell our wishes to the stars
I'll make sure on that day
This heart will still beat for you...

Pasensya na. Ito lang ang naintindihan ko sa ikalawang koro. At hindi pa 'yan ang kabuuan. Hindi na yata ako marunong umintindi ng wikang Hapon. :c

Susubukan kong matulog. :|

4:13 na. :o