Saturday, May 26, 2007

Anim na Tao

Bakit ang bitter kong tao (teka, bitter ba ang tawag dun? immature siguro haha)? Argh. Nakalimutan na nila yata ako. Birthday greeting. Wala. Belated greeting. Wala rin. Mini-reunion. Wala rin.

Fine, mababaw na kung mababaw. Ayaw nyo na ba sa akin? Hindi nyo na ba ako itinuturing na kaibigan? Kinalimutan nyo na ba ako? Hindi nyo na rin ako pinapansin sa YM. Bakit yung hindi talaga kasama sa barkada, nakasama?

Ayokong maiwanan. :c

Amf. Itutulog ko na nga lang ito.

Kung kailan ako nakapag-desisyon na di na umalis sa ED at nagkaroon na ako ng ideya sa isang DN na pwedeng maipasa sa Lunes. Gah.

Thursday, May 10, 2007

Isang Pagbabalik-Alala

Natatawa ako. Kanina, nakausap ko sa YM ang isa sa mga close friends ko noong elementary pa ako. Graduating na siya sa darating na semestre. Nakakainggit. Nursing ang kinukuha niya. Pero di yun ang isyu ko dito. Ha ha.

Laugh trip kami kanina. Sumakit na ang tagiliran ko kakatawa. Kasi ba naman, lahat ng kalokohan namin noon, binalikan at pinag-usapan namin. Yung paglalagay ng thumbtacks sa upuan ng bully (na kumukuha ng baon ko; tandaan: a grudge because of food is strong >D pero seriously, joke lang ang kasabihang iyon), pag-iipit ng plastic na ipis sa record book ng teacher namin at kung anu-ano pa. Oy, mabait akong bata, minsan ko lang ginagawa ang mga kalokohang iyan. :D

Nagtanong siya kung mayroon akong nakuhang scholarships sa Mapua. Matalino raw kasi ako. Ha ha. Noon yun. As in eons ago. Pero sabi ko, napasama ako sa school publication at sa kabutihan ng Diyos, nakakuha naman ako ng scholarship (at allowances na rin har har). XD

Tapos, nag-off topic bigla. May jowa ka na ba? Amf, napaubo ako. Ang sakit na ng lalamunan ko tapos ang tanong pa niya ay nakaka... gulat. Sinabi ko na wala. Pero mayroon na ring mga sumubok habang nasa Mapua ako. Wala naman talaga akong type sa kanila. Ha ha. Yung mga type ko kasi, taken na, lumipat ng ibang school o kaya bading. Kaya ayun. Na-satisfy ang curious mind. LOL.

Sabi niya tuloy, baka naman hindi nila ako kinantahan ng kantang iyon. Natuwa ako, naalala pa niya ang kantang iyon! Dati kasi, sinabi ko sa kanya na kapag hinarana ako ng kantang yun, sasagutin ko agad. Ha ha. Dream harana song. Matalas pa rin ang memory niya, nakakatuwa. :D

At sa pagpatak ng alas-7 ng gabi, nagpaalam na siya. Uuwi na raw siya. Malungkot dahil naputol ang aming usapan, pero masaya na rin dahil nagkaroon kami ng panahon para sa isa't isa.

May makahula kaya ng kantang yun?

Thursday, May 3, 2007

19

Habang ako'y umiikot sa swimming pool noong isang gabi, yakap ko ang kick board na dinala ng kapatid kong si Chelsea. Sumisipa lang ako nang mahina, gumagalaw na ako. Malakas man ang ihip ng hangin ng gabing iyon, hindi ko masyado naramdaman. Iniisip ko, may pupunta kaya sa May 19? Kahit hindi pa nakalubog ang collar bones ko sa tubig? Ha ha.

Sa May 17, magpapaalam na ako sa ika-18 kong edad at kailangang papasukin ko na ang numerong 19.

19.

Simula noong 1999, paborito ko nang numero ang 19. Dahil siguro ayokong gumaya sa iba kong kaklase na mahilig sa 18. Dahil din siguro sa edad ng crush ko dati na si Ken (ang totoo nyan, crush ko pa rin siya hanggang ngayon; ang gwapo niya kasi sa Weiss Side B he he). Nadagdagan tuloy ng isang dahilan kung bakit gusto ko ang bilang 19. Kasi noong unang taon ko ng high school, ang guro ko sa English 1 ay 19. Oo, fresh graduate siya ng DLSU at anak ng academic director ng school namin. Walang nepotismo doon kasi magaling talaga siya magturo. Na-engganyo tuloy ako sa pagsusulat at kung anu-anong paligsahan ang sinalihan ko noon dahil sa kanya. Ha ha.

19.

Huling taon na ito ng pagiging teenager. Pagkatapos nito, 20 na. Pwede pa rin naman sabihing "twenteen" pero napaka-corny naman ng ganun. Ha ha.

Sa pagpasok ng taong ito sa buhay ko, gusto kong magkaroon ako ng mas malaking kontrol sa buhay ko. Medyo tatanga-tanga kasi ako sa maraming bagay eh, sana madagdagan naman ng katiting na kaalaman ko sa mga bagay na yun. Katulad na lamang sa mga relasyon sa mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko kasi, napapabayaan ko ang iba kong mga kaibigan kaya parang lumalayo sila. Basta, parang ganun.

Gusto kong ma-experience ang lahat ng pwede kong ma-experience. Hindi ang pakiramdam na trippy o kung ano man ha. XD Para naman maramdaman kong nabubuhay pa ako. Nasa bahay lang kasi ako palagi. Tulog. Kain. Laptop. Minsan, sulat at guhit. Haaay napakasayang buhay. Sana pati ang super hebigat na pride ko, mabawasan na kasi wala siyang nagagawang mabuti eh. Tsk tsk.

Sana rin, hindi ako mapagod sa buhay ko, sa ginagawa ko. Kasi kung mapagod ako, ano pa ang dahilan kung bakit ako nandito? Kumpleto naman akong tao. Kulang lang siguro sa motivation.

Hmm... gumawa kaya ako ng 19 reasons kung bakit mas magandang may yunisee sa mundo? Ha ha. Pero tingin ko, mabibilang lang sa daliri ko ang mga dahilan eh.

Haaay, Lord. Paki-guide na lang po ako sa buhay ko.

Wednesday, May 2, 2007

Unang Huni

Hello, blogosphere!

Pang ilang blog ko na ba ito? Hindi ko na matandaan.

Bakit na naman ba ako gumawa ng blog? Hmm. Napaisip ako bigla. Ha ha. Gusto ko naman ngayon ng blog na Tagalog.

OMGWTFBBQ kamo?! Ha ha. Weirdo ako talaga. :D