Saturday, September 1, 2007

Argh

Tinanong ako ni Kuya Armand noon kung nakakaapekto ba sa pagsusulat ko sa mga blog ko ang pag-ibig. Hindi ko na rin kasi regular na nasusulatan ang mga iyon.

Tinawanan ko siya. Di kasi ako sigurado. Ang totoo niyan, mas madalas na tinatamad lang ako. Pagod na pag-uwi. Matutulog na lamang o kakain. At siyempre, gumawa ng plates.

Sa aking muling pagmumuni-muni, may katotohanan na rin ang sinabi niya. Nakikipag-usap ako kay Daddy Ean sa YM voice chat. Kapag nabisita naman siya dito sa bahay, lahat ng atensyon ko ay nasa kanya. Mayroon din naman akong mga bagay na itinatago ko lang dito sa puso ko. Mga pribadong bagay na hindi ko gustong malaman ng lahat (piling tao lamang LOL).

Kanina, kausap ko si Venz. Sabi ko sa kanya, di ko alam kung paano ko nagustuhan si Daddy ko, na baka may potion siyang pinainom sa akin (ha ha!). Heto na lang ang sinabi niya tungkol sa isang litrato namin noon sa bodega habang naglalaro ng PS2 : "They never knew."

Napapakanta ako ngayon sa kanta ni Ric Segreto. Ito ang unang kantang nagustuhan ko doon sa CD na ibinigay niya noong kaarawan niya. Haay.

Binabago nito ang pananaw mo... kapag narito ka sa aking tabi... (o, anong kanta ito? ha ha)

Wala. Nanggugulo lang ako ng isipan ninyo. Matagal na rin kasi akong hindi nagsusulat dito.

Pero ang laman talaga ng isip ko ay siya. Bakit ko ba siya hinahanap-hanap palagi, samantalang noon naman, ayos lang sa akin na nakakapag-usap kami sa text messages? Bakit ko ba gustong marinig na lang lagi ang boses niya, kurutin ang mga pisngi niya at guluhin ang buhok niya? Ano bang nginangalngal ko dito (nang tahimik; haha how contradictory)? Amf bakit ba ako balat-sibuyas?

Hindi nakakatulong ang High School Musical 2 sa pakiramdam na ito.

1 comment:

Ean said...

Napansin mo ba? Hindi na rin ako nakakapagblog? Haha... duplicated results na yan... I therefore conclude that love is inversely proportional to the number of blog entries we could post. (Mas naguguluhan sa buhay = more blog entries, mas masaya = less blog entries) Pero hindi naman yan applicable sa lahat na tao.

Argh! Ano ba yan, nalulunod na ko sa mga gawain ko sa school (hence, the geeky conclusion). Pero sa likod ng isipan ko ay ikaw pa rin. At dahil diyan mas madalas na ngayong maubos ang battery ng wireless phone mo. Haha.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi na ako nagsusulat sa blog ay dahil masaya na ako na kasama ka, at hindi ko na kailangan mag hanap ng iba pang paraan para maging masaya. Masasayang lang ang konteng oras na wala akong ginagawa kung magsusulat pa ako ng blog... kakausapin nalang kita at pareho pa tayong maging masaya. Diba?

Pero wag kayo mag-alala... gusto ko pa rin mag blog... at kung may oras ako gagawa pa rin ako ng bagong entry. (Na may maraming pictures) hehe... (o drawing)

hindi ako magaling mag tagalog (or english) kaya taglish nalang... haha. ^_^

Mahal kita, I love you baby ko. ^_^