Natatawa ako. Kanina, nakausap ko sa YM ang isa sa mga close friends ko noong elementary pa ako. Graduating na siya sa darating na semestre. Nakakainggit. Nursing ang kinukuha niya. Pero di yun ang isyu ko dito. Ha ha.
Laugh trip kami kanina. Sumakit na ang tagiliran ko kakatawa. Kasi ba naman, lahat ng kalokohan namin noon, binalikan at pinag-usapan namin. Yung paglalagay ng thumbtacks sa upuan ng bully (na kumukuha ng baon ko; tandaan: a grudge because of food is strong >D pero seriously, joke lang ang kasabihang iyon), pag-iipit ng plastic na ipis sa record book ng teacher namin at kung anu-ano pa. Oy, mabait akong bata, minsan ko lang ginagawa ang mga kalokohang iyan. :D
Nagtanong siya kung mayroon akong nakuhang scholarships sa Mapua. Matalino raw kasi ako. Ha ha. Noon yun. As in eons ago. Pero sabi ko, napasama ako sa school publication at sa kabutihan ng Diyos, nakakuha naman ako ng scholarship (at allowances na rin har har). XD
Tapos, nag-off topic bigla. May jowa ka na ba? Amf, napaubo ako. Ang sakit na ng lalamunan ko tapos ang tanong pa niya ay nakaka... gulat. Sinabi ko na wala. Pero mayroon na ring mga sumubok habang nasa Mapua ako. Wala naman talaga akong type sa kanila. Ha ha. Yung mga type ko kasi, taken na, lumipat ng ibang school o kaya bading. Kaya ayun. Na-satisfy ang curious mind. LOL.
Sabi niya tuloy, baka naman hindi nila ako kinantahan ng kantang iyon. Natuwa ako, naalala pa niya ang kantang iyon! Dati kasi, sinabi ko sa kanya na kapag hinarana ako ng kantang yun, sasagutin ko agad. Ha ha. Dream harana song. Matalas pa rin ang memory niya, nakakatuwa. :D
At sa pagpatak ng alas-7 ng gabi, nagpaalam na siya. Uuwi na raw siya. Malungkot dahil naputol ang aming usapan, pero masaya na rin dahil nagkaroon kami ng panahon para sa isa't isa.
May makahula kaya ng kantang yun?

3 comments:
Hi!
Ipagpaumanhin mo ako. Matagal ko na dapat ginawa ito. Hehe... ngayon lang kasi ako nagkaroon ng oras (at kusang loob) para isulat ang aking mga kuro-kuro tungkol sa mga sinulat mo.
argh! dumugo ang ilong ko! hehehe...
Ingat ka, baka magkaroon ka ng appendicitis sa sobrang tawa. Hehe. Nakakatakot ka palang kaaway basta pagkain ang usapan. Gaano ba kadalas ang minsan? Hmmm... Kawawa naman ang bully. Siguro may butas pa rin yun hanggang ngayon. Hehe.
Matalino? Siyempre matalino si yunis. First honor pa naman noon diba? Hindi naman nawawala ang talino eh. Dapat lang may kasamang sipag. Kaya lang tamad na tayo ngayon. Haha... dapat scholar ka ulit diyan sa St. Sco next term ha. Marami naman siguro diyan, diba?
May ubo ka na ba noong May 10? Hehe... May type ka pala na bading? Hindi ko alam yun ha. Kwento mo naman sakin minsan ang mga "nakaraan" mo. Mwahaha...
Marami na rin akong clues tungkol sa kantang iyon. Hmmm... pero hindi ko sasabihin dito. Baka mabasa ng iba at maunahan ako. Haha. At gaya ng sabi ko kailangan ko pa pala ng voice lessons at guitarrr lessons (galing sa mga pirata sa Quiapo?). Kaya medyo matagal-tagal pa bago ako makapagharana. Haha.
Kung gusto mo na mahulaan nila ang kantang iyon, magpahiwatig ka (give [more] clues? hehe... hirap i-translate)
=)
Tamaaad! >P
Walang scholarships sa St. Scho. Assumed na mayaman ang mga nag-aaral doon dahil exclusive school yun. Haay.
Hindi first honor yun. Top 1 lang sa class. Gaya ng sabi ko sa 'yo dati, ang 1st honors (green card) ay kailangang may 88+ na grades sa lahat ng subjects at average na 92 yata. HS (highly satisfactory) din dapat ang megaskills. Ni white card nga wala ako, 3rd honors yun :c
Nagsisimula pa lang ang ubo ko noon. Ha ha. Di ko type ang bading. Pagkatapos ng ilang taon kasi, nakita kong bading na siya. XD
Seryoso ka sa voice lessons? Ha ha. Ayaw mong mag-share. Bad ka, lagot ka kay Joker. LOL. Arrrr! XD
Ayoko na ngang magbigay ng mga pahiwatig tungkol doon. Kasi... sikretong malupit. >D
[url=http://kfarbair.com][img]http://www.kfarbair.com/_images/_photos/photo_big7.jpg[/img][/url]
מלון [url=http://www.kfarbair.com]כפר בעיר[/url] - אווירה כפרית, [url=http://www.kfarbair.com/about.html]חדרים[/url] מרווחים, שירות חדרים, אינטימיות, שלווה, [url=http://kfarbair.com/services.html]שקט[/url] . אנחנו מספקים שירותי אירוח מיוחדים גם ישנו במקום שירות חדרים המכיל [url=http://www.kfarbair.com/eng/index.html]ארוחות רומנטיות[/url] במחירים מפתיעים אשר יוגשו ישירות לחדרכם!
לפרטים נא גשו לעמוד המלון - [url=http://kfarbair.com]כפר בעיר[/url] [url=http://www.kfarbair.com/contact.html][img]http://www.kfarbair.com/_images/apixel.gif[/img][/url]
Post a Comment