Tuesday, August 7, 2007

Kuryente: Isang Dedikasyon

Sa aking pagkabagabag, iniiwan mo ang iyong gawain at dumarating ka. Sa mga madilim kong pakikipagsapalaran sa mundo, inaakap mo ako't pinagagaan ang loob. Sa kalungkutang dinaranas sa buhay, ginagawa mo ang lahat upang ako'y mapatawa at mapawi ang kabigatan ng kalooban.

Pagbangon ko sa umaga, ayoko pang dumilat agad dahil sa mga sarado kong mata, nakikita ko ang nakangiti mong mukha. Ngunit napagtatanto kong nariyan ka naman, na maaari kitang makita, mapuntahan kung saan man.

Nanginginig ang mga tuhod ko sa boses mong malambing. Di ko mawari kung bakit ganito ako kapag tinatawag mo ang pangalan ko. Natural lang naman iyon, at lagi ko namang naririnig ang boses mo noon. Kay laki ngang pagbabago ang naganap, ano?

Milyon-milyong boltahe ng kuryente ang dumaraan sa aking katawan kapag naaalala kita. Hindi naman ako humahawak ng live wire o socket nang basa ang kamay. Ang bilugin mong mga mata na nakatitig sa akin, ang maginhawa't mabango mong yakap at ang malambot mong mga pisngi. Hindi ko sila malimutan. Lalong-lalo na ang oras na pinagsamahan natin. Mahirap nang alisin sa isipan ko iyon.

Kung iisipin ko, napakalaki na ng impluwensya mo sa buhay ko. Tinatanggap kita nang buo sa buhay ko. Ingatan mo na lang sana ang puso kong kasinlakas ng isang plorerang porselana.

Maraming salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin, sa pagtulong sa aking mga akda, sa pakikinig sa aking mga kwento, sa lahat-lahat. Nasaan kaya ako ngayon kung wala ka?

Gusto kong malaman kung paano mo ako napaibig. Pero di na mahalaga iyon. Ang pinakamahalaga ay...

... minamahal kita. At patuloy kitang mamahalin hanggang di na kaya ng mga salitang ito na ipakita sa iyo ang nararamdaman ng puso ko, na iparamdam sa iyo ang pag-ibig mula sa kaibuturan ng aking pagkatao.

Mahal na mahal kita, daddy ko!

Sunday, July 29, 2007

Walang Katuturan, Walang Patutunguhan (Parang Yaoi Lang ha ha)

Tatlong Sabado na siyang bumibisita sa bahay nang sunod-sunod. Gusto na niya yata tumira dito eh! Ha ha. Joke lang! Pero sa totoo lang, natutuwa ako. Ang sipag-sipag niyang pumunta dito kahit napakalayo. Sino ba sa tamang pag-iisip ang gustong magbiyahe nang matagal sa mga kalyeng madalas pa' y napakabigat ng trapiko (mahal pa ang pamasahe)? Tinutulungan pa niya ako sa paggawa ng plates ko. Ang laki ng utang ko sa kanya, sobra. Salamat, salamat. :)

Umuulan nang malakas ngayon. Bakit ako nagta-type dito at di gumagawa ng Figure Drawing plate? Di ko pa pala tapos ang photo collage. @__@ Ang totoo, hindi ko alam. O__o; Maganda ang mood ng mga kanta ng Sugarfree habang naulan para sa akin. Ha ha.

Mayroon akong seiyuu fixation. Tapos sinabi ko dati na maganda ang boses niya. Nakakatakot ha ha... pero iba-iba naman ang preferences ng tao, di ba? (Hindi ko naaalala si Seki Tomokazu sa boses niya, hindeeee~!)

Hindi ko namamalayan, naka-embed na pala siya sa pang-araw-araw na buhay ko. Noong nasa school pub pa ako, ni hindi ko nga siya kilala eh (dahil parang out of this world ang dating niya para sa akin). Ha ha. Di kami nagpapansinan, di kami nagku-kwentuhan. Hanggang hello-hi lang. Ano nga naman ang mapapala ng dating Archi student sa isang ECE student? (Parang user ang dating ko dito ha? XD;;;)

Ngayon, araw-araw na kaming nakakapag-usap. Talk about devotion. Ha ha.

Sa sobrang dalas niya dito, inaanticipate na ng mga magulang ko ang pagbisita niya linggo-linggo. Kanina habang naglalakad kami papuntang simbahan, tinanong nila kung babalik ba raw siya sa susunod na Sabado. Ha ha.

Thursday, July 19, 2007

Mga Kamay

Mababa ang grado ko ngayon sa pag-render ng mga kamay. Masyadong madilim ang lapis na ginamit ko (8B). Dapat pala, hanggang 5B lang. Yung cross hatching din ng kamay gamit ang black ink, di ko masyadong nagustuhan ang grado roon. Di bale, sa susunod, mas maganda na at mas mataas.

Nakakangalay sa kamay ang mag-pose habang iginuguhit ng isa ang naka-pose na kamay. Di mo pwedeng igalaw nang igalaw dahil mababago ang anggulo pati ang pagtalbog ng ilaw sa surface. Napakaraming kailangang isipin sa pag-shade: ang light tone, mid tone at ang dark tone. Pati pa pala ang anino.

Madalas ding namamawis ang kamay ko kapag gumuguhit ako. Yuck. Pero ganoon talaga sila eh. Di ko na mababago iyon. Akala ko, kapag may hawak din akong kamay, mamamasa rin siya. Hindi pala.

Pangalawang beses kong makipaghawak-kamay ng ganoon (ang totoo, masuwerte ang loko dahil dalawang kamay ang nahawakan niya sa isang gabi ha ha). Nakikipaghawak-kamay lang ako kung nasa simbahan at kakanta ng Lord's Prayer. Mas madalas na babae pa ang kahawak-kamay ko. Mabibilang sa mga kamay ko na lalaki ang katabi ko at makikipaghawak-kamay habang magdadasal noon.

Malambot daw ang mga kamay ko. Matagal ko nang alam iyon he he. Di naman kasi gaanong mabigat ang trabaho ko sa bahay eh. Pinakamabigat na siguro ang paglalaba ko ng gamit ko. :P

Masarap ang pakiramdam ng mainit na kamay kapag malamig. Hindi ko ikinakaila iyon. Wala kang jacket o kung ano mang pambalot sa katawan pero may nakalagay naman sa kamay mo na pwedeng pumawi ng lamig na nararamdaman mo.

Nag-iisip pa rin ako. Ang tagal, di ba? Sinabi ko kay Kuya Venz na kailangan mo nang gumawa ng paraan kaysa mag-isip nang mag-isip. Ano ba iyan, di ko sinusunod ang mga advice ko sa iba. O__o; Hindi rin tumutulong ang pakikinig ko sa kanta ni Brad Kane. @__@

Kadiri. Ang drama ko. Ha ha.

Di pala ako lasing.